Home NATIONWIDE Nasirang dike sa Lubao, Pampanga banta sa 30,000 pamilya

Nasirang dike sa Lubao, Pampanga banta sa 30,000 pamilya

267
0
(Pampanga PIO)

MANILA, Philippines – Nagbabala ang mga awtoridad sa Lubao, Pampanga na maaaring tuluyang gumuho ang dike na konektado sa Sto. Cristo Dam kapag nagpatuloy ang malakas na ulan, na posibleng makaapekto sa mahigit 30,000 pamilya.

Ayon kay residente Maribel Lozano, nagsimulang gumuho ang dike noong Linggo at nitong Miyerkules ay nawala na ang kalsada sa tapat ng kanilang bahay. Kitang-kita sa aerial footage ang malaking bahaging inanod ng tubig.

Sinubukan ng barangay na patibayin ang dike gamit ang sandbag, pero tinangay ito ng malakas na agos. Wala ring retaining wall sa bahagi ng dike na iyon dahil ginagamit ito bilang daanan ng mga trak sa pagtatayo ng dam.

Kasama sa mga apektadong lugar ang San Miguel, San Vicente, San Nicholas First, San Nicholas Second, at Jaza Road.

Inatasan ng pamahalaang panlalawigan ang DPWH na maglagay ng sandbag, bato, at lupa bilang agarang solusyon, habang nagboluntaryo ang ilang residente na alisin ang water lily na humaharang sa daloy ng tubig. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here