Home METRO 3-anyos nawawala sa Bataan; pinangangambahang inanod sa ilog

3-anyos nawawala sa Bataan; pinangangambahang inanod sa ilog

250
0

MANILA, Philippines – Isang tatlong taong gulang na bata ang nawawala sa Dinalupihan, Bataan matapos umanong maanod sa ilog habang malakas ang ulan nitong Martes.

Ayon sa ina, wala na ang bata sa kanyang higaan at pinaniniwalaang sumunod sa mga kapatid na naligo sa ilog. Nagpapatuloy ang paghahanap ng mga kapitbahay sa kabila ng malakas na agos.

“Malaking tulong sa amin kung makita ang anak namin,” ayon sa ama na si Israel Tumambac. Nakatakda sanang magdiwang ng ikatlong kaarawan ang bata kinabukasan.

Samantala, gumuho ang isang dike sa Brgy. Tuyo, Balanga dahil sa malakas na ulan ngunit ligtas ang mga residente matapos ma-evacuate. Nagtayo ang DPWH ng pansamantalang harang upang pigilan ang pag-apaw ng tubig. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here