Home HOME BANNER STORY Fashion show, magarbong SONA, ‘wag muna – House, Senate

Fashion show, magarbong SONA, ‘wag muna – House, Senate

230
0

MANILA, Philippines – Nanawagan sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ilang senador na gawing simple ang pagbubukas ng 20th Congress at State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang pagpapakita ng pakikiramay sa milyun-milyong Pilipinong apektado ng malalakas na bagyo at pagbaha.

Ayon kay Romualdez, hindi angkop na magdaos ng magarbo at marangyang seremonya habang maraming pamilya ang hirap bumangon matapos ang pananalasa ng bagyong Crising, Dante, at Emong.

“It would be out of touch to maintain a show of pageantry while our people are still in recovery,” ani Romualdez.
Dagdag niya, nananatili ang pormal na protocol at tradisyon ngunit aalisin ang red carpet fanfare, fashion coverage, at engrandeng presentasyon.

“The opening of Congress is not a fashion event. It is a working session. Let’s begin it with the seriousness and humility our times demand,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, hiniling nina Senadora Loren Legarda at Senador JV Ejercito na iayon ang SONA sa kasalukuyang kalagayan ng bansa.

“The Senate opening and the SONA must be made simple, as it should be, attuned with the times. Our people are suffering from the floods. We must use the occasion to solve the problems, to be part of the solution,” pahayag ni Legarda, na matagal nang nananawagan para sa climate resilience at disaster preparedness.

Tradisyonal na naglalakad ang mga senador at kongresista sa red carpet na nakasuot ng formal gowns at barong bago ang talumpati ng Pangulo. Ngunit ngayong taon, posibleng tanggalin ang red carpet bilang simbolo ng pakikiisa sa mga nasalanta ng kalamidad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here