MANILA, Philippines – Nalunod ang isang 15-anyos na binatilyo sa Mangaldan, Pangasinan matapos mahulog sa Old Mangaldan River nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa imbestigasyon, nakahawak ang biktima sa bakal ng tulay nang biruin at kilitiin ng isang kaibigan kaya nakabitaw.
Matinding agos ang nagpahirap sa paghahanap, at natagpuan ang katawan matapos ang apat na oras. Labis ang hinagpis ng lola ng biktima na siyang nag-alaga sa kanya.
Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang 18-anyos na kaibigang kumiliti sa biktima. RNT