Home METRO Mayora, nagpaliwanag sa pa-online raffle sa mga binahang residente

Mayora, nagpaliwanag sa pa-online raffle sa mga binahang residente

265
0

MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ni Calumpit, Bulacan Mayor Lem Faustino ang kontrobersyal na online raffle para sa mga binahang residente kung saan kailangan mag-post ng selfie sa baha upang makasali.

Ayon kay Faustino, nauna nang naihatid ang tulong sa mga evacuees.

“Bago po kami mag ‘e-ayuda’ ay una naming pinuntahan ang mga [evacuation] centers namin. So, mayroon po kaming 430,000 families na affected. Inaabot po namin nang personal ang aming relief goods sa aming mga binahang kababayan. Ito pong ‘e-ayuda,’ siyempre po sa Facebook po namin pinost para lang maiwasan yung scammers po,” anang mayora.

Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na dapat nakabatay sa “empathy, compassion, at equity” ang pagtulong, hindi gawing “paligsahan.”

“Lahat, as much as possible, matulungan mo. Making it a game of chance, making it a competition removes all three components from the propriety of helping people during times of crisis,” dagdag pa ni Remulla.

Dagdag pa niya na sa tingin niya ay walang nilabag ang mayora sa kanyang online raffle.

“Sa tingin ko wala naman siyang nilabag na batas. Ang danger lang diyan ay open to abuse kung hindi tama ang accounting nila,” ani Remulla.

Nagbigay na rin ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development, habang nagluluto at namimigay ng pagkain ang ilang residente.

Patuloy ang baha sa Calumpit, na umabot na lampas-tao sa ilang lugar. Ginagamit na ang bangka bilang transportasyon habang lubog ang mga bahay at sasakyan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here