Home NATIONWIDE Bagyong Emong humina; Signal No. 2 nakataas sa 5 lugar

Bagyong Emong humina; Signal No. 2 nakataas sa 5 lugar

252
0

MANILA, Philippines – Humina na bilang tropical storm si Emong mula sa pagiging severe tropical storm, ayon sa PAGASA nitong Biyernes ng hapon.

Inaasahang dadaan ito malapit o tatama sa Babuyan Islands at Batanes ngayong hapon bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng umaga. Posibleng tuluyang humina at maging remnant low pagsapit ng Sabado ng gabi.

Nakataas ang Signal No. 2 sa

Hilagang Ilocos Norte (Dumalneg, Pagudpud, Adams, Burgos, Bangui),

Hilagang Apayao (Calanasan, Luna, Sta. Marcela),

Batanes,

Babuyan Islands,

Hilagang-kanlurang Cagayan (Camalaniugan, Buguey, Aparri, Allacapan, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Claveria, Sanchez-Mira, Sta. Praxedes)

Signal No. 1

Natitirang Ilocos Norte, Hilagang Ilocos Sur (kabilang ang Vigan at Candon),

Abra,

natitirang bahagi ng Apayao,

Kalinga,

Mountain Province,

natitirang bahagi ng Cagayan, at Hilagang Isabela (Quirino, Mallig, Tumauini, Maconacon, atbp.).

Sa ulat ng NDRRMC, umabot na sa 25 ang nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng Emong, Crising, Dante at habagat.

Apektado ang 3.8 milyong katao at 84 lungsod at bayan ang idineklara sa ilalim ng state of calamity.

Tinatayang ₱3.99 bilyon ang pinsala sa imprastruktura, ₱366.9 milyon sa agrikultura, at ₱281.6 milyon sa irigasyon.

Mahigit 167,000 katao ang nananatili sa evacuation centers. Suspendido ang klase sa 1,043 lugar at trabaho sa 848 lugar. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here