MANILA, Philippines – Inihayag ng Korte Suprema nitong Biyernes na 154 sa 628 examinees (24.48%) ang pumasa sa 2025 Shari’ah Special Bar Examinations (SSBE) na isinagawa noong Mayo 25 at 28 sa UP Diliman, Ateneo de Davao, Ateneo de Zamboanga, at MSU-IIT.
Ipinaalala ni SSBE Chairperson Associate Justice Antonio Kho Jr. na kailangang kumpletuhin ng mga pumasa ang clearance procedure bago Hulyo 28 upang makadalo sa panunumpa at roll-signing sa Agosto 6, 2025 sa Manila Hotel.
Binigyang-diin ni Kho ang layunin ng SSBE na gawing mas accessible ang hustisya para sa mga Muslim Filipino at bigyang-daan ang mga propesyonal na makapag-practice sa Shari’ah Courts alinsunod sa Presidential Decree 1083 o Code of Muslim Personal Laws of the Philippines. RNT