Home NATIONWIDE Maynilad, Manila Water inatasang ipagpaliban ang pagpuputol ng tubig

Maynilad, Manila Water inatasang ipagpaliban ang pagpuputol ng tubig

304
0

MANILA, Philippines – Inutusan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO) ang Maynilad at Manila Water na ipagpaliban ang pagputol ng serbisyo sa mga lugar na apektado ng Bagyong Crising, Dante, Emong at habagat mula Hulyo 25 hanggang Agosto 8.

Binigyang-diin ng MWSS na mahalagang mapanatili ang access sa malinis at ligtas na tubig para sa kalusugan ng publiko at inatasan ang mga concessionaire na tiyaking tuloy-tuloy ang suplay.

Hindi saklaw ng kautusan ang mga kaso ng ilegal na gawain tulad ng water service tampering at paglabag sa Water Crisis Act.

Ayon sa NDRRMC, umabot na sa 25 ang bilang ng mga namatay dahil sa malakas na pag-ulan at mga bagyo. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here