MANILA, Philippines – Pinayagan ng Senate impeachment court nitong Huwebes ang pagpapalit sa defense witness na si Rowena Mendoza, na nasa official trip sa ibang bansa at hindi makakapag-testigo sa paglilitis.
Sinabi ni Presiding Officer Francis Escudero na si Atty. Eva Marie Mariquina ang tetestigo bilang kapalit ni Mendoza, isang opisyal ng Center for International Expositions and Missions (CITEM).
Ayon kay Escudero, handa na sana siyang tanggihan ang kahilingan, pero kinilala niyang ang subpoena ay nagpapahintulot din na ang sinumang kinatawan mula sa CITEM ang maging testigo.
“Atty. Eva Marie Mariquina shall be the one to testify in Miss Mendoza’s stead given that the subpoena is not only for Miss Mendoza but for any representative from CITEM,” ani Escudero.
Nakatakdang humarap si Mariquina sa impeachment trial sa Nobyembre 20.
Sa ika-44 na araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, humiling si Mendoza sa korte na i-reschedule ang kanyang pagharap dahil nasa Frankfurt, Germany siya para sa isang aprubadong official mission.
Orihinal na nakatakdang mag-testigo si Mendoza sa mga usaping may kinalaman sa Cale88, kabilang ang cooperation communications tulad ng mga email na ipinadala ng CITEM sa Cale88.
Batay sa website ng CITEM, si Mariquina ay Planning Officer V sa Corporate Planning Division. Ernie Reyes