Home NATIONWIDE SONA 2025, uulanin – PAGASA

SONA 2025, uulanin – PAGASA

265
0

MANILA, Philippines – Inaasahang maulap na may pag-ulan ang panahon sa Lunes, Hulyo 28, sa pagbibigay ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Batasan Pambansa Complex, ayon sa PAGASA.

Dahil sa habagat, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan at pagkidlat sa Metro Manila, Ilocos Region, CAR, Western Visayas, Negros Island Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan.

Ang ibang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan.

Magiging simple ang pagdaraos ng SONA ngayong taon bilang pag-alala sa mga nasalanta ng kalamidad. Walang red carpet, fashion coverage, o photo setup, at pinayuhan ang mga miyembro ng Kongreso na umiwas sa magagarbong kasuotan.

Samantala, ipinahayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na walang red carpet sa pagbubukas ng ika-20 Kongreso sa Hulyo 28 bilang pakikiisa sa mga naapektuhan ng kamakailang kalamidad.

Tiniyak naman niyang magkakaroon pa rin ng maayos na access para sa media coverage. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here