Home NATIONWIDE Kwalipikado sa emergency loan, pinalawak ng GSIS

Kwalipikado sa emergency loan, pinalawak ng GSIS

276
0

MANILA, Philippines – Pinalawak ng Government Service Insurance System (GSIS) ang saklaw ng emergency loan para sa mas maraming lugar sa Luzon at Metro Manila matapos ideklara ang state of calamity bunsod ng bagyo at malakas na ulan.

Maaaring mag-apply hanggang Oktubre 24, 2025 ang mga miyembro at pensioner sa Cainta, San Mateo, at Montalban (Rizal) at mga lungsod ng Malabon, Marikina, Las Piñas, Navotas, at Valenzuela.

Hanggang Agosto 24, 2025 naman ang aplikasyon para sa mga nasa Agoncillo (Batangas), Balagtas (Bulacan), Malasiqui (Pangasinan), Roxas (Palawan), Bataan, Pampanga, at Dagupan City, bukod pa sa naunang inaprubahang lugar gaya ng Cavite, Quezon City, Umingan (Pangasinan), Calumpit (Bulacan), at Maynila.

Maaaring umutang ang aktibong miyembro ng ₱20,000, o hanggang ₱40,000 kung may kasalukuyang emergency loan, na babayaran sa loob ng tatlong taon na may 6% interes at walang processing fee.

Maaaring mag-apply ang mga pensioner basta’t natitira ang 25% ng kanilang buwanang pensyon pagkatapos ng kaltas.

Maaaring magsumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng GSIS Touch app, GWAPS kiosks, o sa GSIS branches.

Sinabi ng GSIS na handa pa itong palawigin ang saklaw ng loan habang dumarami ang LGUs na nagdedeklara ng state of calamity. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here