Home NATIONWIDE Pinsala sa agrikultura umabot na sa P1.12-B sa mga bagyo

Pinsala sa agrikultura umabot na sa P1.12-B sa mga bagyo

279
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa ₱1.12 bilyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa Bagyong Crising, Dante, Emong at habagat, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Tinatayang 26,566 metric tons ang nawalang produksyon na nakaapekto sa 45,408 magsasaka at mangingisda at 43,741 ektarya ng sakahan sa CAR, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, at Soccsksargen.

Nagbabala ang DA na posibleng tumaas pa ang halaga habang nagpapatuloy ang assessment. Kabilang sa mga tulong ang ₱653 milyong halaga ng agricultural inputs, 43,940 sako ng bigas mula NFA para sa LGUs, Quick Response Fund, ₱400 milyong pondo para sa SURE loan (hanggang ₱25,000, zero interest), at ₱268 milyon para sa crop insurance payout.

Patuloy ang field validation, koordinasyon sa LGUs para sa pag-alis ng road obstructions at pagbaha, at pagpapatupad ng price ceiling sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity alinsunod sa Price Act. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here