Home NATIONWIDE Boxing ring, qualified ref, medical team sa suntukan ni Torre at Baste,...

Boxing ring, qualified ref, medical team sa suntukan ni Torre at Baste, nakahanda na

323
0

MANILA, Philippines – Inihahanda na ang boxing ring para sa “charity boxing” match sa Linggo sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila sa pagitan nina PNP Chief Police General Nicolas Torre III at Davao City acting mayor Baste Duterte.

Ayon sa PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, nagsimula na ang pag-setup ng ring, habang tiniyak ng Games and Amusements Board (GAB) na magbibigay ito ng qualified referee at medical team para sa laban.

Tinanggap ni Torre ang hamon ni Duterte na ipinalabas sa isang YouTube post at sinabi niyang kahit hindi sumipot si Duterte, may mga sponsor nang nag-commit na magbigay ng ayuda para sa mga nasalanta ng bagyo at baha. Ngunit bago pumayag sa laban, naglatag ng kondisyon si Duterte: hilingin kay Pangulong Marcos na ipahayag na lahat ng halal na opisyal ay sasailalim sa hair follicle drug test.

Naglabas ang GAB ng Resolution No. 2025-08, na nagtatakda ng pagtalaga ng professional referee at paglalagay ng medical personnel na binubuo ng mga doktor at paramedic upang tiyakin ang kaligtasan ng mga kalahok at pagsunod sa boxing standards. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here