Home NATIONWIDE NBI: Baste byaheng Singapore, 2-araw bago bakbakan kay Torre

NBI: Baste byaheng Singapore, 2-araw bago bakbakan kay Torre

278
0

MANILA, Philippines – Lumipad patungong Singapore si Davao City acting Mayor Baste Duterte nitong Biyernes ng umaga, dalawang araw bago ang nakatakdang charity boxing match laban kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III sa Rizal Memorial Coliseum.

Kumpirmado ito ng National Bureau of Investigation matapos siyang umalis sa Davao International Airport.

Unang hinamon ni Duterte si Torre sa isang vlog, ngunit naglatag siya ng kondisyon: ipag-utos ni Pangulong Marcos Jr. na lahat ng halal na opisyal ay sumailalim sa hair follicle drug test. Tinanggap naman ni Torre ang hamon at sinabing may mga sponsor nang magbibigay ng ayuda para sa mga nasalanta ng bagyo kahit hindi sumipot si Duterte.

Habang wala pa si Duterte, sinimulan na ng PNP ang pag-setup ng boxing ring, at tiniyak ng Games and Amusements Board (GAB) na may professional referee at medical team na nakaantabay para sa laban.

Samantala, nanawagan naman si Congressman Paolo “Pulong” Duterte na lumagda ng waiver si Torre upang alisin ang pananagutan ng kanyang kapatid sakaling may mangyaring masama, at iminungkahi na sumailalim din sila sa drug test bago ang laban. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here