Home NATIONWIDE Emong humina pero bumilis; Signal no. 2 itinaas sa Batanes at Babuyan

Emong humina pero bumilis; Signal no. 2 itinaas sa Batanes at Babuyan

266
0

MANILA, Philippines – Dumaan malapit sa Babuyan Islands at papalapit na sa Batanes ang Bagyong Emong, ayon sa PAGASA nitong Biyernes ng hapon.

Huling namataan ang sentro nito sa Sabtang, Batanes, taglay ang 85 km/h na lakas ng hangin at bugso na aabot sa 115 km/h, habang kumikilos pahilagang-silangan sa bilis na 40 km/h.

Itinaas ang Signal No. 2 sa Batanes at Babuyan Islands, habang nasa Signal No. 1 ang Ilocos Norte, Apayao, at mainland Cagayan. May babala rin ng malakas na alon sa hilagang baybayin ng Luzon.

Inaasahang lalabas si Emong sa Philippine Area of Responsibility sa Sabado ng umaga at hihina bilang remnant low pagsapit ng gabi habang papasok sa East China Sea. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here