Home METRO Emong palabas na; wind signals, inalis

Emong palabas na; wind signals, inalis

306
0

MANILA, Philippines – Inalis na ang wind signals habang patuloy na humihina ang tropical cyclone na si Emong habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility.

Sinabi ng PAGASA sa kanilang 5 a.m. weather bulletin ngayong Sabado, Hulyo 26, na tropical cyclone Emong ay isa na ngayong tropical depression, na may maximum sustained winds na 55 km/h at pagbugsong aabot sa 70 km/h.

Huling namataan sa layong 500 km hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes, kumikilos si Emong pahilaga hilagang-silangan sa bilis na 45 km/h.

‘’Emong will continue to accelerate generally north northeastward and exit the Philippine Area of Responsibility this morning. Due to [the] increasing unfavorable environment and fast translational speed of Emong, it will likely degenerate into a remnant low within the next 12 hours,’’ ayon sa PAGASA.

Gayunpaman, ang Southwest Monsoon (Habagat) ay magdadala ng panaka-nakang pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro at maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, CALABARZON, ang natitirang bahagi ng Central Luzon, at ang nalalabing bahagi ng MIMAROPA.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Ang Extreme Northern Luzon ay makakaranas ng malakas na hangin at maalon na tubig sa baybayin, habang ang kanlurang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng katamtaman hanggang sa malakas na hangin at katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin at mahina hanggang sa katamtamang pag-alon ng baybayin ang inaasahan sa natitirang bahagi ng bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here