Home NATIONWIDE Suplay ng pagkain sa bansa, sapat sa kabila ng banta ng El...

Suplay ng pagkain sa bansa, sapat sa kabila ng banta ng El Niño — DA

1
0

PASAY CITY, Philippines – Tiniyak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa sa kabila ng posibleng epekto ng El Niño sa mga pananim at alagang hayop.

Sa Kadiwa ng Pangulo Expo sa Pasay City nitong Huwebes, sinabi ni Tiu Laurel na may sapat na suplay ng manok para sa 125 araw.

“Medyo healthy ‘yon,” aniya.

“Normally, pag mainit, bababa talaga production ng manok but with the 125 days supply, continuous naman narereplenish; bumaba man konti to 70, 80, 90 safe pa naman yon,” dagdag niya.

Para naman sa baboy, mayroon umanong suplay na tatagal ng 170 araw.

Samantala, hindi pa naaapektuhan ang suplay ng bigas dahil napuno ang mga dam, lalo na sa Luzon, bunga ng mga pag-ulan dulot ng habagat.

“Sa El Niño, baka may effect sa bigas later pa, kasi napuno ngayon lahat ng dam natin, lalo na sa Luzon, dahil sa habagat. Ang effect sa bigas natin by next year pa if ever,” pahayag ng kalihim.

Gayunman, naapektuhan na ang mga pananim na mais, partikular sa Isabela, kaya tumaas ang presyo nito.

“Kaya tumaas ang presyo ng corn, may corn alternative naman, may alternative naman dyan, nag-increase tayo ng minimum access volume for imported corn at lower tariff para ma-address yon,” aniya.

Ayon kay Tiu Laurel, makatutulong ang mga sangay ng Kadiwa ng Pangulo upang makabili ang mga mamimili ng mas murang pagkain. Available rin ang bigas ng gobyerno na nagkakahalaga ng P20 kada kilo. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here