Home METRO #WalangPasok: Sabado, Hulyo 26, 2025

#WalangPasok: Sabado, Hulyo 26, 2025

319
0

MANILA — Ilang local government units ang nagsuspinde ng klase ngayong Sabado, Hulyo 26, dahil sa patuloy na pag-ulan at pinagsamang epekto ng habagat at bagyong Emong.

Suspendido ang klase sa mga sumunod na lugar:

-Laguna (whole province, all levels – public and private)

-Marikina (all levels – public and private)

-Caloocan (all levels – public, except University of Caloocan City)

-Dagupan City, Pangasian (all levels- public and private)

-Malasiqui, Pangasinan (all levels, public and private)

Ayon sa PAGASA papalabas na ng Philippine area of responsibility si Emong ngayong Sabado ng umaga.

Gayunpaman, maaapektuhan pa rin ng rain bands ng Emong ang Extreme Northern Luzon habang ang enhanced southwest monsoon ay patuloy na magdadala ng pag-ulan sa Luzon hanggang Linggo ng hapon.

Ang mga pag-ulan dala ng sunud-sunod na mga tropical cyclone at habagat ay nag-iwan ng hindi bababa sa 25 kataong nasawi mula noong nakaraang linggo, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Biyernes.

Nakapagtala naman ng 8 kataong sugatan at 8 iba pa ang nawawala. Ang mga wather disturbance, na nagdulot ng mga baha at pagguho ng lupa, ay nakaapekto sa humigit-kumulang 3.8 milyong katao, kung saan 167,000 sa kanila ay nasa mga evacuation center. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here