MANILA, Philippines – Nangako ang Department of Migrant Workers (DMW) na magbibigay ng buong suporta para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Qatar habang itinutulak ang mabilis na medical repatriation.
Sinabi ng DMW na binisita ni Undersecretary Jainal Rasul, Assistant Secretary Venecio Legaspi, at Qatar Labor Attaché Eduard Ferrer ang apat na OFWs na may sakit at na-admit sa Rumailah Hospital sa Doha na nangailngan ng agarang medical attention at repatriation.
Sa kanilang pagbisita, nagsagawa ang mga opisyal ng DMW ng konsultasyon sa hospital staff gayundin sa Medical Repatriation Coordinator for Filipinos sa Qatar na si Alma Balanon sa kondisyon at arrangments para sa paglilipat sa mga pasyente.
Hiniling ni Balanon ang ibat-ibang uri ng suporta kabilang ang visa processing at hospital acceptance sa Pilipinas na mahalagang hakbang upang masiguro na magiging smooth ang paglilipat at tuloy-tuloy ang pangangalaga sa sandaling maiuwi sa bansa ang mga pasyente.
Aniya, bukod sa mga binisita na pasyente, may mga natitirang pasyente na sinusuri para sa posibleng transfer.
Samantala, binigyang-diin ni Ferrer ang kahalagahan ng kumpletong dokumentasyon at isang structured referral system upang matiyak ang matagumpay na medical transfer.
Napansin din ni Ferrer ang mataas na gastosin sa medical evacuation pati ang mahal na gasts sa medikal sa Qatar.
Sinabi ni Balanon na pinadali ng programa ang pagabbalik ng 28 OFWs noong 2024 habang 11 kaso kabilang ang isang kasalukuyang nasa proseso ang naitala hanggang sa taong ito.
Itinakda ang follow-up mission sa kalagitnaan ng Agosto ngayong taon upang subaybayan ang muling pagsasama ng mga pasyente at tiyakin ang patuloy a suporta ng gobyerno sa kanilang pagbabalik. Jocelyn Tabangcura-Domenden