Home METRO Strawberry farm sa La Trinidad, Benguet binaha

Strawberry farm sa La Trinidad, Benguet binaha

291
0

BENGUET, Philippines – Ang sikat na strawberry farm sa La Trinidad, Benguet ay tuluyang nalubog ng tubig baha dahil sa epekto ni Emong.

Ayon sa ulat nitong Biyernes, nagmistulang lawa ang bukid dahil sa tubig-baha na dulot ng malakas na pag-ulan.

“Biglang umapaw yung tubig. Wala na, nasira na. Yung pananim namin… kawawa kami. Mangutang ulit, palit ng pananim,” sabi ng magsasakang si Segundo Balanoy.

Ang mga tourist spot sa Benguet ay kabilang sa mga lugar na idineklara ng Department of Tourism (DOT) na temporarily suspended noong Biyernes dahil sa epekto ng masamang panahon.

Humupa din ang baha nitong Biyernes ng umaga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here