Manila, Philippines- Natural na magpakaaligaga si Quezon City District 1 Rep. Arjo Atayde sa pamamahagi ng ayuda nitong nagdaang bagyo.
Ika nga, tinutupad lang ng aktor-pulitiko ang kanyang sinumpaang tungkulin.
Along with the DSWD, his staff and cousin Gab ay namahagi si Arjo ng ilang provisions sa kanyang mga nasasakupan.
These included breads, sopas and other food stuff.
Kasama rin ang ilang mga kumot at unan.
And just when you thought na si Arjo lang ang abalang-abala ay katuwang din niya ang kanyang inang si Sylvia Sanchez.
Without makeup, nagbahay-bahay ang actress-producer para mamahagi ng lugaw sa mga taga-District 1.
Take note, may separate team si Ibyang.
No wonder, maging siya’y inuurutang pumasok na rin sa local politics.
Hindi na bago ang ginagawang pagtulong ni Sylvia sa tao.
Back in her native town Nasipit ay katu-katulong din niya ang kanyang mga anak mula repacking hanggang distribution ng mga relief goods sa kanilang mga kababayan.