Home METRO Paglangoy sa ilog pag tag-ulan, ipinagbawal sa Plaridel

Paglangoy sa ilog pag tag-ulan, ipinagbawal sa Plaridel

265
0

BULACAN, Philippines – Ipinagbabawal na ang mag-swimming o  “magtampisaw” sa mga ilog at patubig tuwing tag-ulan, bagyo o kahalintulad na panahon sa bayan ng Plaridel.

Sa bisa ng Executive Order No. 4, s. 2025 ay ipinatutupad ng Pamahalaang Bayan ng Plaridel ang “No Swimming Policy”, ayon na rin sa Facebook post ni Mayor Jocell Vistan nitong Hulyo 25.

Ayon sa kautusan,  bawal na ang mag swimming sa lahat ng ilog at patubig tuwing tag-ulan, bagyo o kahalintulad na panahon.

Layon ng kautusan na maiwasan ang disgrasya at mapanatili ang kaligtasan ng lahat sa naturang bayan.

Sinasabing nais ng alkalde na paalalahanan na maging responsible at maging ligtas ang kapwa niya Plarideleño.

Kaugnay nito, ilang insidente ng pagkalunod at nakuryente ang naitala sa lalawigang ito sa kasagsagan ng tag-ulan. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here