Home METRO P2.2-M tobats nasamsam sa Laguna

P2.2-M tobats nasamsam sa Laguna

230
0

LAGUNA, Philippines – Dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga ang nasakote matapos na makumpiskahan ng  2.2 Milyon halaga ng Shabu  sa isinagawang buy- bust operation kaninang madaling – araw  sa Sitio Bayside Barangay Gatid Sta Cruz, Laguna.

Ang mga suspek na kapwa kabilang sa High Valued Individual at nahaharap sa kasong RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002) at nakapiit sa Sta Cruz Police Station na nakilala sa alyas Marine at Edwin.

Batay sa report na isinumite kay PBGen. Jack L. Wanky Regional Director ng PRO4 Calabarzon dakong alas-12:05  madaling araw nang magsagawa ng anti-drug operation ang pinagsanib na elemento ng Sta Cruz Police Station at PDEA sa pamamagitan ng buy-bust operation, makaraang bentahan ng droga ang  nagpanggap na posuer buyer ang isang pulis na humantong sa pagkaaresto sa dalawang suspek.

Narekober sa mga suspek ang 14 piraso na nakalagay sa heatsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng  humigit kumulang sa 325 gramo ng hinihinalang Shabu na tinatayang nasa standard price na Php 2,210,000.00.

Samantala, pinuri ni PBGen. Wanky ang matagumpay na operasyon ng Sta Cruz Police Station at hinimok ang mamamayan sa Calabarzon na makipagtulungan sa mga awtoridad upang tuluyang masugpo ang ilegal na droga.

“Binabati ko ang Santa Cruz MPS at ang ating mga kasamahan mula sa PDEA sa maayos na koordinasyon at dedikasyon sa paglaban sa salot ng lipunan. Hinihikayat ko ang publiko na patuloy tayong suportahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon at pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan para sa isang ligtas, payapa, at drug-free na komunidad.” Pahayag ni PBGen. Jack L. Wanky. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here