MANILA, Philippines — Wala pa ring nanalo ng jackpot prizes sa Ultra Lotto 6/58 at Super Lotto 6/49 sa Hulyo 27 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa 9 p.m. draw, ayon sa PSCO na walang bettor ang nakahula sa winning combination ng Ultra Lotto 6/58 na 23-40-38-39-50-42. Ang jackpot prize nito ay umabot na sa P267,812,434.
Samantala, wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49 jackpot draw winning combination na 01-33-34-11-39-22 na mayroong jackpot prize na nagkakahalaga ng P43,009,332.60.
Ang Ultra Lotto 6/58 ay ibinobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo habang ang Super Lotto 6/49 ay ibinobola tuwing Martes, Huwebes, at Linggo. RNT/MND