Home NATIONWIDE Higit 20K police personnel handa na sa SONA 2025 -Torre

Higit 20K police personnel handa na sa SONA 2025 -Torre

268
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Philippine National Police chief General Nicolas Torre III na ang PNP ay ‘hoping for the best and preparing for the worst’ habang nagpapatuloy ang paghahanda sa seguridad bago ang State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes, Hulyo 28, 2025.

Ginawa ni Torre ang pahayag pagkatapos ng kanyang charity boxing event sa Maynila kung saan siya ay idineklara bilang winner by default, ilang sandali bago siya tumungo upang suriin ang mga critical points ng deployment upang matiyak ang seguridad para sa ika-apat na SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Batasang Pambasa sa Quezon City.

“After this, actually pupunta kami ng Baseco and then after we release the relief  goods that we have, pupunta na kami sa areas kung saan ang critical points ng ating deployment sa SONA,” saad ni Torre.

Sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mahigit 20,000 police personnel ang naka-deploy bilang bahagi ng security measures para sa taunang event.

Nang tanungin kung overkill na ba ang bilang ng mga naka-deploy na pulis para sa SONA, sumagot si Torre na bahagi lamang ito ng kanilang paghahanda. Sinabi ng NCRPO na halos 23,000 police personnel ang magse-secure ng SONA ngayong taon.

“We always respect the opinion of other people. Naniniguro lang tayo, we always hope for the best but we are prepared for the worst,” ani Torre.

Sinabi rin ni NCRPO spokesperson Police Major Hazel Asilo na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa intelligence community bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa SONA.

Samantala, sinabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na mayroon silang traffic management at flood measures sa kahabaan ng Commonwealth Avenue para sa SONA. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here