Home METRO Habagat, Crising, Dante, Emong infra damage pumalo sa P5-B

Habagat, Crising, Dante, Emong infra damage pumalo sa P5-B

246
0

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa P5 bilyon ang inabot na pinsala sa imprastraktura na dinulot ng habagat, Tropical Cyclones Crising, Dante, at Emong.

Ayon sa inilabas na datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, Hulyo 28, naitala ang pinsala sa imprastraktura sa P5,005,253,046.08.

Pinakamaraming pinsala ang naitala sa Region 3 o Central Luzon na may P3.173 bilyon, sinundan ng CALABARZON na may P855.209 milyon, Region 1 o Ilocos Region na may P630.905 milyon, Region 6 o Western Visayas na may P161.827 milyon, Region 2 o Cagayan Valley na may P75.600 milyon, ang MIMAROPA na P5.600 milyon, ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may P49.316 milyon.

Ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura ay naitala sa P484.400 milyon — P173.942 milyon sa MIMAROPA, P99.482 milyon sa CALABARZON, P60.357 milyon sa Negros Island Region, P58.681 milyon sa Region 12 o Soccsksargen, P46.640 milyon sa Western Visayas, P11.460 milyon sa Bicol Region, P4.069 milyon sa Cagayan Valley, P1.805 milyon sa Ilocos Region.

Nananatili sa 30 ang bilang ng mga namatay, habang 10 ang naiulat na nasugatan at 7 ang nawawala.

Si Emong, ang pinaka huling naitalang tropical cyclone, ay lumabas sa Philippine area of responsibility (PAR) noong Sabado ng umaga, ngunit sinabi ng state weather bureau (PAGASA) na ang habagat ay patuloy na magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here