Home OPINION TOLLWAY OPERATORS, BAKIT LAGING NASISISI SA PAGBAHA?

TOLLWAY OPERATORS, BAKIT LAGING NASISISI SA PAGBAHA?

308
0

TUWING umuulan nang malakas at binabaha ang mga kalsada, madalas napasasama ang mga tollway operator gaya ng North Luzon Expressway o NLEX sa batikos ng publiko at maging ng ilang opisyal ng gobyerno.

Ngunit sa totoo lang, ang problema sa pagbaha ay hindi lamang isyu ng mga tollway. Isa itong masalimuot na suliraning nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t ibang ahensiya—mula sa mga lokal na pamahalaan, Department of Public Works and Highways at Metro Manila Development Authority, hanggang sa pambansang administrasyon.

Noong nakaraang lingo, nagkaroon ng malawakang pagbaha, halos lahat ng pangunahing daan—mula SLEX, TPLEX, EDSA, hanggang Commonwealth Avenue at Araneta Avenue— kasama ng iba’t ibang kalye. At ang kasama ang mga toll sa sinisisi ng pamahalaan sa pagbaha.

Ang pagbaha sa Paso de Blas, Valenzuela na umabot sa NLEX dulot ng pag-apaw ng tubig mula sa mga creek na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng LGU. Sa kabila nito, nag-deploy pa rin ang NLEX ng mga emergency team at relief goods para sa mga naapektuhang motorista at residente.

Ayon kay Luis Reñon ng NLEX Corporation, aktibo silang nakikipagtulungan sa mga awtoridad para sa mga long-term solution gaya ng pag-upgrade ng tulay, rehabilitasyon ng mga ilog, at pagpapatibay ng drainage systems. Ngunit gaano man kalaki ang budget o effort ng mga pribadong operator, limitado ang kanilang kapangyarihan kung ang mga sanhi ng pagbaha ay nasa labas ng kanilang kontrol—tulad ng iligal na pagtatapon ng basura, kakulangan sa flood control projects ng LGU, o climate change.

Eh bakit ba ang tollways operators ang sinisisi ng pamahalaan? Hindi ba’t sila ang may hawak ng bilyon-bilyong pisong pondo taon-taon na inilalaan ng gobyerno para sa flood mitigation projects. Ngunit bakit paulit-ulit pa rin ang problema? Sa halip na magturuan, dapat tutukan ng mga opisyal kung bakit hindi napipigilan ang pagbaha sa kabila ng malaking pondo. May pondo ba ang DPWH para sa mas epektibong drainage system? Nasubaybayan ba ng MMDA ang paglilinis ng mga estero? Bakit hindi pa rin napipigilan ang iligal na pagtira sa mga danger zones?

Dapat, tigilan na ang sisihan dahil hindi ito ang solusyon sa problema sa baha. Kailangan ng konkretong aksyon. Una, dapat isailalim sa masinsinang audit ang lahat ng flood control projects. Pangalawa, dapat magkaroon ng mas malinaw na pagtukoy ng responsibilidad sa pagitan ng LGU, DPWH, tollway operators, at iba pang stakeholders. Pangatlo, dapat bigyang-prayoridad ang mga proyektong nakabatay sa siyensiya at climate-resilient na disenyo.

Oras na para matuto tayo sa mga nagdaang sakuna. Huwag nang hintaying maging baha ang mga daan bago magsisihan. Ang hamon ay hindi lang sa mga tollway operator, kundi sa lahat ng may tungkuling protektahan ang publiko. Sa isang bansang madalas tamaan ng bagyo, dapat maging handa tayo—hindi sa salita, kundi sa gawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here