Home OPINION MALAKIHANG DROGA PAPUNTANG PINAS

MALAKIHANG DROGA PAPUNTANG PINAS

1
0

HINDI pa lumalamig ang P500 milyong halaga ng nasa 75 kilong shabu na nakumpiska sa Ninoy Aquino International Airport mula sa Guadalajara, Mexico kamakailan lamang, andiyan naman ang P521 kilong shabu na balitang naharang sa Laos sakay ng isang pribadong eroplano papunta umano sa ating bansa.

Ang P500M shabu, tiyak nang nakarating sa Pinas ngunit iniimbestigahan pa ang 521 kilo sa Laos kung tangkang ipapasok nga sana sa atin o hindi.

Tinatayang nagkakahalaga ang 521 kilo ng P3.5 bilyon.

Napabalitang nanggaling muna sa Subang, Malaysia ang eroplano at lumapag sa Luang Prabang International Airport sa Laos at dito na naharang at nabuking ang droga.

Nagkaroon ng paniniwalang sa atin bibiyahe ang eroplanong may shabu dahil sa Pinoy na sumakay rito na kasama ng 13 na naaresto kaugnay nito.

Lahat umano ng 13 suspek ay itinuturo ang Pilipinas na patutunguhan ng eroplano.

Nagtulungan ang mga awtoridad ng Laos at Malaysia sa panghuhuli rito.

1.2 TONELADA SUMABAY

Halos kasabay ng balitang ito, may nahuli naman sa Gulf of Thailand na 1.2 toneladang shabu pa rin mula sa isang lantsa at sinasabing patungo rin sana ang droga sa Pinas kung hindi naharang ito.

Tinatayang mahigit P7 bilyon naman ang halaga nito.

Patungo sana ang lantsa sa isang barko para ilipat ito ngunit naharang nga.

Pawang mga Thai ang nahuli rito.

Ayon kay Philippine National Police spokesman Col. Allen Rae Co, iniimbestigahan pa ang 521 kilong shabu samantalang nagpasalamat siya na sa Thailand pa lang, naharang na rin ang 1.2 tonelada.

MGA KONEKSYON SA PINAS SINO-SINO KAYA?

Dapat magsipag ang mga awtoridad sa pag-alam sa kung sino-sino ang mga koneksyon sa Pinas ng mga druglord na nagpaparating sa Pinas ng ganitong kalalaking bulto ng droga.

May mga lumalabas na kuro-kuro na konektado sa mga importer ng vape ang kontak ng mga druglord na may hawak sa 521 kilo.

Kung seryosong mag-iimbestiga ang mga awtoridad, dapat nilang isama rito ang mga importer ng vape.

Ngunit higit dapat na isama ang mga Pinoy druglord sa importasyon mismo ng mga droga.

Hindi dapat na pasok sa isang tainga at labas sa kabilang tainga ang mga imbestigador kung patungo ang mga ebidensya sa mga malalaking tao, pribado man o opisyal ng pamahalaan.

‘Yung eroplano, kung nakarating sana sa Pinas, maaaring makalusot o hindi.

Ngunit yung galing sa barko mula Thailand sana, posible bang magkaroon ng ending na magagaya sa naglulutangang mga shabu sa mga tabing dagat mula sa Zambales hanggang Ilocos Region at mga tabing dagat ng Cagayan?

PITIK LANG

Ang ganitong kalalaking importasyon ba ang dahilan kung bakit napakalaganap na muli ang droga sa mahal kong Pinas?

Kahit saan ka magtanong ngayon, Brod, nakabalik na ang droga sa ‘di mabilang sa daliri na mga barangay at bayan.

Mismong mga pulis pa nga ang nagpapatunay nito sa mga ulat nila na iniuulat naman ng dyaryo at online news nating Remate

Hindi lang mga indibidwal na pusher at adik ang nababalita kundi mga nagsesesyon gaya ng nangyari kamakailan sa Makati City.

At ang nakatatakot, pinagmumulan ang droga ng mga nakatatakot na krimen gaya ng pagpatay, pag-rape at pagnanakaw sa loob at mga kalsada at pampublikong sasakyan.

Dapat makilahok ang lahat sa giyera sa droga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here