Home OPINION NAKAW NA YAMAN NI VP SARA NAGIGING BULATE YATA MULA SA...

NAKAW NA YAMAN NI VP SARA NAGIGING BULATE YATA MULA SA ELEPANTE

2
0

ANO kaya ang nangyayari at lumalabas na noong una, pinagmukhang sinlaki ng elepante ang hindi maipaliwanag o sabihin na nating nakaw na yaman ni Vice President Sara Duterte ngunit habang nagtatagal ang paglilitis dito, paliit nang paliit at baka magiging bulate na lamang?

Noong Abril 2026, pinagbintangan si VP Sara (kasama ang yaman ng asawa niyang si Atty. Manases Carpio) ng hindi maipaliwanag na yaman na nagkakahalaga ng P6.77 bilyon, batay sa salaysay ni Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Ronel Buenaventura.

Pagdating ng Oktubre 5, 2026 na kasagsagan ng paglilitis, naging P4.4B na lamang dahil sinabi ng Bank of the Philippine Island na nagkamali ang computer system nila sa paglalabas ng datos at mula sa mahigit P2B nabawas sa pagkakamali, lumitaw na may kabuuang deposito ang mag-asawa, kasama si ex-President Digong Duterte, na P7.48 milyon lamang at ang isang transaksyon na sinabing P269 milyon ay P300,000 lang pala.

Lalong lumiit ang nakaw na yaman nang sabihin ni prosecution forensic expert witness Atty. Alex Cabrera noong Oktubre 9 na nasa P817M lahat, kasama ang Gencorp at sa Metro City Chow Foods Corp, at noong Oktubre 12, maaaring umabot sa P1.5B.

Sa Gencorp, sinabi ni Cabrera na may P213M, bilang bahagi ng P817M, at sa Metro City Chow Foods Corp. may nasa P70M si VP Sara na kalahati ng nasa P140M na kasama ang sa Cale88.

Ngunit kinumpirma naman ni Gencorp in-house lawyer Atty. Suzette Balucanag-Punay na nakatanggap lang si VP Sara ng P2.1M bilang loose investor ngunit mula sa Jollibee Times Square Mall, Davao City at lumabas lang na galing sa Gencorp dahil nakasentro rito ang financial record bilang mother company habang wala siyang natanggap mula sa Metro City Chow Foods Corp. dahil nalugi.

Saan kaya patungo ang lahat ng mga bintang na dambuhalang nakaw na yaman ni VP Sara?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here