Home OPINION NAGMUKHANG KENKOY

NAGMUKHANG KENKOY

255
0

NATULOY din pala kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Lungsod ng Maynila ang binansagang “charity boxing match” pero hindi dumating si Davao City Mayor Baste Duterte.

Si Baste ang sana’y makakalaban ni PNP chief, Gen. Nicolas Torre III sa “main event” pero sumibat papuntang Singapore.

Si Baste…BUMATSI! Bwarharhar!

@@@

Ang natuloy ay laban ng mga “undercard” ng mga piling boksingero mula sa PNP.

Kahit paano, na-entertain ang mga nanood, karamihan ay tagasuporta ni Torre.

@@@

The show must go on, ika nga, kaya kahit wala si Batsi este Baste, lumitaw pa rin si Torre na nakasuot pangboksing na tila handang-handa sa basagan ng mukha (kahit basag na) sa ibabaw ng lonang parisukat.

Aba’y tuwang-tuwang at tawang-tawa rin ang kanyang fans. Iba raw pala magpatawa si Torre.

Mistula siyang si KENKOY sa circus. Hehehe

@@@

Dahil hindi sumipot sa kanyang “Sariling Palabas” ang sana’y partner niya sa “Circus”, siya na lang ang nag-entertain sa manonood.

Habang si Batsi, este, Baste ay tatawa-tawa lang sa gedli.

@@@

Ang sabi, hindi naman daw alam ni Baste ang iskedyul ng boksing dahil si Torre lang ang naglatag o nagkasa nito.

May nauna na raw talaga siyang iskedyul ng biyahe sa Singapore, kasama ang pamilya.

At ginamit lang ni Torre ang charity boxing match para palabasing ‘Wagdu’ ang umaakting na alkalde ng Davao City, gayundin sa kanyang propaganda.

@@@

Pero PALAKPAKAN pa rin natin si Torre dahil naaliw tayo sa kanyang “Palabas”.

Manang-mana siya sa kanyang amo sa Palasyo na siyang tunay na “Payaso”.

Itong si MR. Payaso ay may sarili ring palabas ngayon sa Kongreso.

Tiyak namang maraming “Hakot” ang magpapalakpakan sa kanya sa loob ng Kongreso.

Habang sa LABAS, maghuhumiyaw ang mga KATOTOHANANG…NALOKO na naman tayo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here