Home HOME BANNER STORY Imee, Bong Go, Padilla at Bato ‘di dadalo sa SONA

Imee, Bong Go, Padilla at Bato ‘di dadalo sa SONA

265
0

MANILA, Philippines – Hindi dadalo si Senador Imee Marcos sa ikaapat na State of the Nation Address ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, Hulyo 28.

Sa press conference matapos ang pagbubukas ng unang regular na sesyon ng 20th Congress, sinabi ni Imee na tututukan niya ang pagtulong sa mga taong naapektuhan ng nagdaang bagyo at pagbaha.

“Hindi na ako pupunta dahil naka-schedule pa rin ang walang kamatayang nutribun, nutribus, at iba pang pagtulong sa ating mga nasalanta ng bagyo,” anang senador.

“Pupunta ako sa ilang mga school building at school house kung saan ang mga bata ay nagiintay ng pagkain, ng school supplies na nasira,” dagdag pa niya.

Samantala, nilinaw ni Marcos na walang kinalaman sa kanyang desisyon na hindi dumalo sa SONA ang hindi rin pagdalo ni Vice President Sara Duterte.

“Ay hindi pa kami naguusap tungkol do’n. I think hindi pa siya umuuwi,” aniya

Napaulat din na hindi dadalo sa SONA ang “Duterte bloc” kabilang sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Bong Go, at Robin Padilla.

Sa kabila nito ay pakikinggan pa rin umano niya ang SONA ng kanyang kapatid. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here