Home METRO Granada pinasabog sa labas ng bahay ng contractor sa Zamboanga

Granada pinasabog sa labas ng bahay ng contractor sa Zamboanga

309
0

MANILA, Philippines – Niyanig ng malakas na pagsabog ang mga residente ng Lantawan, Pasonanca, Zamboanga City madaling araw ng Lunes, Hulyo 28.

Sa surveillance video kasi, makikita ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at naghagis ng granada sa harap ng bahay ng biktima na napag-alamang pangulo ng asosasyon ng local contractors sa lungsod.

Dahil sa pagsabog ay nasira ang bakod, glass window panes, at ilang halaman ng biktima.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here