MANILA, Philippines – Sa kanyang ika-apat na SONA, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawak ng Lifeline Rate para mas maraming pamilyang mababa ang kita, hindi lamang mga benepisyaryo ng 4Ps.
”Habang inaayos natin ang kumplikado nating sistema ng enerhiya sa bansa upang mai-pababa ang presyo, pinapalawig pa natin ang Lifeline Rate,” ani Marcos sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address.
”Bukod sa mga miyembro ng 4Ps, kasama na rin ngayon ang mga pamilyang nasa listahanan na maliit lamang ang kinikita at ang konsumo naman ay hindi lumalagpas sa ‘lifeline rate,”’ dagdag pa niya.
Basta’t pasok sa itinakdang konsumo, maaari na rin silang makinabang sa diskwento sa kuryente.
“Kasama na rin ang mga pamilyang nasa listahan ng mga low-income earners na hindi lumalagpas sa lifeline rate,” ani Marcos.
Ipinapromote din ng gobyerno ang Net Metering Program na nagbibigay-daan sa mga kabahayan na gumamit ng renewable energy gaya ng solar panels upang makatipid sa kuryente.
Ang Lifeline Rate ay isang subsidized rate para sa mga kwalipikadong mahihirap na pamilya, at isa lamang service account kada household ang pinapayagang makinabang. RNT