Home NATIONWIDE Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act, pinaamyendahan ni PBBM

Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act, pinaamyendahan ni PBBM

264
0

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na SONA na amyendahan ng Kongreso ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act.

Ito ay upang mas matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka at mapalakas ang pag-export ng niyog. Hindi naman niya binanggit ang tiyak na pagbabago sa batas.

Bahagi ito ng mas malawak na hakbang para paunlarin ang mga industriya ng niyog, asin, at pagproseso ng mga produkto.

Inanunsyo rin ni Marcos ang target na makapagtanim ng 100 milyong puno ng niyog sa buong bansa, simula sa 15 milyong hybrid at de-kalidad na binhi ngayong taon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here