Home NATIONWIDE Agenda ng PH sa kalusugan, paglikha ng trabaho, edukasyon, disaster resilience suportado...

Agenda ng PH sa kalusugan, paglikha ng trabaho, edukasyon, disaster resilience suportado ng World Bank

270
0

MANILA, Philippines – Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng Country Partnership Framework (CPF) ng World Bank Group para sa Pilipinas para sa fiscal years 2025 hanggang 2031.

Sinabi ng Pangulo na makatutulong ito na dalhin ang development agenda ng gobyerno nang mas malapit sa mga ordinaryong mamamayan sa pamamagitan ng pinupuntiryang pamumuhunan sa kalusugan, edukasyon, paglikha ng trabaho at disaster resilience.

Sa pagsasalita sa ceremonial turnover ng CPF sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na ang partnership ay sumasalamin sa mga prayoridad na kanyang inilatag sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address at nakahanay sa Philippine Development Plan 2023–2028.

“The Philippines has accomplished much over the past two decades… However, we are well cognizant of the fact that much more needs to be done to ensure that the progress is truly felt by every Filipino, wherever they may be,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Binalangkas naman ni Pangulong Marcos ang tatlong ‘major outcome areas’ na suprtado ng CPF. Ito’y ang “improving access to quality health care and education, opening more private sector jobs, and strengthening the country’s disaster resilience in the face of climate change.”

“We are improving the delivery of public health services, especially in underserved areas, including the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao,” dagdag na wika nito.

Tinukoy naman ng Pangulo ang nagpapatuloy na Phase One ng Philippine Health Systems Resilience Project bilang isang mahalagang inisyatiba sa kapasidad ng pagbuo para tugunan ang health emergencies at paghusayin ang pantay na pag-access sa pangangalaga.

“With more equitable health care, we are giving our people not only longer lives, but hope, security, and dignity,” ani Pangulong Marcos.

Hinggil naman sa edukasyon, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na tugunan ang ‘learning gaps’ at ihanay ang kasanayan ng mga estudyante sa market demands.

“We are also focused on addressing students’ learning gaps… to ensure that our students will grow into future leaders, innovators and visionaries,” aniya pa rin.

Ukol naman sa job creation, tinuran ni Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng gobyerno na gawing simple ang business regulations, palakasin ang imprastraktura at hikayatin ang mas marami pang mamumuhunan.

“Binubuksan natin ang mas maraming dekalidad na trabaho sa pribadong sektor … By raising every Filipino household’s productivity and income, we fuel growth in our key sectors,” anito.

Binigyang diin pa rin ng Chief Executive ang pangangailangan para sa ‘climate adaptation at disaster preparedness.’

“Pinapalakas natin ang kakayahan ng bansa na harapin ang mga sakuna at epekto ng nagbabagong klima …We are redefining resilience to mean learning from our shortcomings and preparing the way ahead, way ahead of time,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sabay sabing kabilang dito ang ‘building evacuation centers, early warning systems, at social protection mechanisms.’

“The CPF will contribute to eight of the World Bank Group’s 15 target outcomes, including healthier lives, digital connectivity, learning, climate resilience, and improved private investment,” ayon sa ulat.

Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang World Bank para sa halos 80 taon na partnership, tinukoy ang financial at technical assistance nito sa ‘imprastraktura, climate action, at governance reforms.’

At sa mga filipino na apektado ng kamakailan lamang na pagbaha at kalamidad, tiniyak ni Pangulong Marcos na magpapatuloy ang tulong mula sa gobyerno at rehabilitation efforts.

“Patuloy po kaming maghahatid ng tulong upang muli tayong makabangon at makapagsimula,” aniya pa rin. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here