MANILA, Philippines – Dumating na sa Pilipinas si Canadian Prime Minister Mark Carney at Cambodian Deputy Prime Minister Dr. Hang Choun Naron, Sabado ng umaga para dumalo sa 49th ASEAN Summit.
Ang dalawang lider ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport.
Nagsimula nang magdatingan ang mga ASEAN leaders sa Pilipinas ngayong araw ng Sabado, November 14, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Ang summit ay nakatakda mula November 16 hanggang 18, kung saan ang opening ceremony ay mangyayari, araw ng Linggo, November 15.
Nauna rito, kinumpirma ng DFa na ang mga global leaders, kabilang si US President Donald Trump, ay nakatakdang dumalo sa summit sa November 17.
Ang Pilipinas ang host ng ASEAN Summit ngayong taon. (KRIS JOSE)