MANILA, Philippines – Ipinrisinta ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Martes ang isang babaeng Chinese national na nagpapanggap na isang Filipino sa NAIA Terminal 3.
Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, mayroon itong Philipine passport at birth certificate na nakuha sa pamamagitan ng late registration sa kabila ng pagiging Chinese national na may invetors visa.
Kinilala ang banyaga na si Wang Xiujun mula Guangdong, China.
Ang kaso ay nag-ugat mula sa intelligence report na natanggap ng NBI-CAVIDO na si Wang ay gumagamit ng pangalan na Cassia Palma Poliquit sa kanyang mga transaksyon sa negosyo.
Sa beripikasyon ng NBI, natuklasan din sa Securities and Exchange Commission na nagkaroon ito ng ilang kumpanya kung saan nagpapakilala siya bilang isang Filipino sa kabila na siya ay isang Chinese national.
Sa isinagawang comparative examination at analysis sa fingerprint ni Poliquit, nalaman na pareho ang resulta sa fingerprint ni Wang na nangangahulugang iisang tao lamang.
Mahaharap si Wang ay ipinagharap ng BI ng kasong paglabag sa Immigration Law lalo na ang misrepresentation bilang isang Filipino, paglabag sa Limitations and Condiions of Stay, at Undersirability.
Noong Hulyo 28,2025, naghain ang NBI-CAVIDO ng kasong paglabag sa Article 172,( in relation to Article 171,paragraph 4) at Article 178 ng Revised Penal Code, at Section 19 (b)(1)at (c)(1) ng Republic Act 8239, ang “Philippine Passport Act of 1996”, laban kay Wang sa Prosecutor’s Office ng Taguig City. Jocelyn Tabangcura-Domenden