Home METRO P1.7-M tobats, “damo” nasamsam sa Calabarzon

P1.7-M tobats, “damo” nasamsam sa Calabarzon

232
0

Sa loob ng 24 oras ay nakumpiska ang tinatayang P1.7 milyon halaga ng ilegal na droga at Marijuana sa isinagawang magkakahiwalay na anti-illegal drug operations ng mga kapulisan sa lalawigan ng Calabarzon.

Base sa report ng Regional Police Office 4A nagsimula ang kanilang operasyon kahapon, Hulyo 28, 2025 dakong ala- 6:00 ng umaga, hanggang ala-6:00 kaninang umaga Hulyo 29, 2025 kung saan 43 katao ang naaresto .

Kabilang sa nadakip ang dalawang itinuturing na High Value Individuals (HVI) at 41 Street Level Individuals (SLI) na pawang mahaharap sa kasong RA 9165 (comprehensive dangerous drugs act 2002) at pansamantalang nakakulong ang mga naaresto sa himpilan ng pulisya.

Narekober sa isinagawang operasyon ang 157.54 gramo ng hinihinalang shabu, samantalang 50.30 gramo ng Marijuana na may kabuuang halaga ng humigit kumulang na standard price na Php 1,077,308.00.

Samantala, pinuri rin ni PBGEN Jack L Wanky, Regional Director ng PRO Calabarzon ang kasipagan at mabilis na aksyon ng mga operatiba sa iba’t ibang police units sa rehiyon, na aniya’y patunay ng epektibong pagpapatupad ng kanilang tungkulin para sa kapayapaan at kaayusan sa Calabarzon.

” Ang pagkakaaresto ng 43 katao sa loob lamang ng isang araw ay patunay ng ating determinasyon na sugpuin ang ilegal na droga sa rehiyon. Hindi natin bibigyan ng puwang ang mga kriminal na nagpapakalat ng kapahamakan sa ating mga komunidad,” ayon kay PBGEN Wanky.

Dagdag pa ng heneral  patuloy na  pinaigting ang kampanya ng PRO CALABARZON katuwang ang iba’t ibang law enforcement agencies at mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng adbokasiyang Bagong Pilipinas, isang ligtas at maayos na bansa para sa bawat mamamayan. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here