Home HOME BANNER STORY Pinsala sa agrikultura sa hagupit nina Crising, Dante, Emong umabot na sa...

Pinsala sa agrikultura sa hagupit nina Crising, Dante, Emong umabot na sa P1.9-B

325
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit P1.9 bilyon ang pinsala sa agrikultura dulot ng Habagat at mga bagyong Crising, Dante, at Emong, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council.

Tinamaan nang husto ang Region 3 na may higit P1.1 bilyong pinsala.

Tinatayang P9.5 bilyon din ang nasira sa imprastruktura sa iba’t ibang rehiyon.

Nasira rin ang 37,557 bahay, habang higit 7.4 milyong katao mula sa mahigit 2 milyong pamilya ang naapektuhan. Mahigit 113,000 ang kasalukuyang nasa evacuation centers.

Naitalang 34 ang nasawi, dalawa ang nakumpirma, pito ang nawawala, at 22 ang sugatan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here