Home METRO Buto, bungo ng tao nakuha sa Taal lake -DOJ

Buto, bungo ng tao nakuha sa Taal lake -DOJ

286
0

MANILA, Philippines – May nakuha pang mga labi ng tao ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Taal Lake sa nagpapatuloy na retrieval operations sa mga nawawalang sabungeros.

Posibleng buto ng tao ang nakuhang labi dahil may bungo at ngipin pa ito, ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla.

Natagpuan umano ang labi sa loob ng quadrant na bahagi ng tinukoy na lugar ng testigo.

Ito ay nasa pangangalaga na ng PNP at isasailalim sa DNA testing.

Binigyang-diin ni Remulla na patunay lamang na reliable ang testimonya ng testigo na doon itinapon ang mga bangkay ng mga pinapatay na aniya ay baka hindi lamang mga krimen sa sabong kundi mga sangkot sa death squad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here