
BUTUAN CITY — Isang 22‑anyos na barista at aspiring vlogger ang biglang sumikat matapos masungkit ang P600,000 tax‑free grand prize ng “Keep Your Eyes On Us” streaming promo ng Filipino‑made rewards platform na ISONUS.
Si Raffie Balaga ay napaluhod sa tuwa nang ianunsiyo sa harap ng kanyang pamilya at mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) – Agusan del Norte na siya ang unang jackpot winner ng programa. Ang winning entry: “F,E,L,I,C” — pangalan ng kanyang inang si Felicisima, na siyang bumuhay sa kanya at tatlo pa niyang kapatid matapos pumanaw ang kanilang ama dahil sa diabetes pitong taon na ang nakararaan.






