MANILA, Philippines – Nakaalerto ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa tsunami warning dahil sa magnitude 8.7 na lindol na tumama sa Russia.
Katunayan, inatasan na ni PCG Spokesperson Capt. Noemi Cayabyab, ang lahat ng distrito na magsagawa ng information dissemination kaugnay dito.
Ipinag-utos na rin ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gavan na makipag-ugnayan ang bawat distrito sa mga local government unit partikular sa mga nasa may baybayin bilang bahagi ng paghahanda at pag-iingat.
Pasado alas 9 ng kaninang umaga nang maglabas ng tsunami advisory ang PHIVOLCS kung saan magtutuloy-tuloy ang unang bugso ng tsunami waves sa ilang coastal areas ng bansa mula 1:20 ng hapon hanggang 2:40 ng hapon ngayong Miyerkules. Jocelyn Tabangcura-Domenden