Home ENTERTAINMENT Winwyn, pinabaunan ng stuffed toy sa PBB!

Winwyn, pinabaunan ng stuffed toy sa PBB!

1
0

Manila, Philippines – Kung Bibliya ang baon ni Robbie Jaworski sa pagpasok sa Bahay ni Kuya sa PBB, iba naman ang kay Winwyn Marquez–stuffed toy.

No, it’s not something that Winwyn can play with pag nabo-bore doon kundi may kakaibang joy ang hatid nito sa kanya.

Emosyonal nga ang dating beauty queen-actress nang makita ang stuffed toy na favorite pala ng kanyang anak.

‘Yun kasi ang ipinabaon nito sa kanya as she made her way inside the PBB housemates’ residence.

Ayon mismo kay Winwyn, makahulugan ang stuffed toy na ‘yon para sa anak.

It serves as her child’s security blanket whenever sadness or fear sets in–kaya naman lagi itong bitbit ng anak saanman magpunta.

Ang katwiran ni Winwyn, joining PBB is a whole new experience–kung saan puwede daw niyang ibahagi ang kanyang mga life experiences.

And take note, nasa bucket list pala niya ito–kaya huwag n’yo na ding itanong kung “baket”?!

Kunsabagay, in life–there are no necessarily “whys.” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here