Home METRO Solid waste granulator ininspeksyon ni MMDA Chairman, DBM Sec

Solid waste granulator ininspeksyon ni MMDA Chairman, DBM Sec

232
0

MANILA, Philippines – Personal na ininspeksyon nina MMDA Chairman Don Artes at DBM Secretary Amenah Mina Pangandaman ang Brick Making Facility and Solid Waste Granulator sa Vitas Pumping Station located at sa Tondo, Maynila, Miyerkules ng umaga.

Sa pangunguna ni Chairman Artes si Pangandaman sa pasiolidad at ipinakita ang mga equipment,ang waste segregation system at pag-recycle sa mga nakukuhang basura sa pumping station.

Ang Brick Making facility at Solid Waster Granulator sa VItas Pumping Station ay kabilang mga mga proyekto na nakalinya para makatulong na mabawasan ang pagbaha dahil na rin sa mga basura.

Para ma-recycle ang mga bote, hinihikayat ng MMDA ang mga komunidad na doon na lamang dalhin .

Sinabi naman ni Pangandaman na dapat may mga pumping station na rin sa ibat-ibang lungsod sa bansa dahil malaki ang maitutulong para makontrol ang baha. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here