Home NATIONWIDE 9 Pilipinong bihag ng Houthi sinisikap mapalaya ng PH -DFA

9 Pilipinong bihag ng Houthi sinisikap mapalaya ng PH -DFA

240
0

MANILA, Philippines – Sinisikap ng gobyerno ng Pilipinas na mapalaya ang siyam na Pinoy na tripulante ng MV Eternity C na kasalukuyang bihag ng mga Houthis, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose de Vega na lahat ng mga indikasyon ay nagtuturo na sila ay nasa Sanaa, sa loob ng Yemen sa kamay ng mga Houthis.

“Our Honorary Consul in Yemen has been assured they are well. He is working to see them– We are working for their release, with the help of friendly governments,” aniya.

Lulan ng barko ang 22 tripulante, 21 dito ay mga Pilipino, nang salakayin ito ng mga drone at rocket-propelled grenade na inilunsad ng mga militanteng Houthi na suportado ng Iran sa baybayin ng Yemen.

Noong Hulyo 16, walo sa mga tripulanteng Pilipino ang naiuwi sa Pilipinas.

Sa unang bahagi ng taong ito, pinakawalan ng Houthis ang 17 Filipino seafarer mula sa isa pang barko, ang MV Galaxy Leader, matapos silang bihagin ng hindi bababa sa 14 na buwan.

Ang pagpapalaya ay naging posible sa matagumpay na mga pagsusumikap sa pamamagitan ng pamahalaan ng Oman kasunod ng kasunduan sa tigil-putukan sa pagitan ng Hamas at Israel – ang kundisyong kinakailangan ng mga Houthi captors ng Galaxy Leader crew noong panahong iyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here