MANILA, Philippines – Ayon sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) nitong Miyerkules, Hulyo 30, 2025, 50 tao ang nahatulan ng iba’t ibang paglabag sa human trafficking noong unang kalahati ng 2025.
“Yun po ang ating strong commitment, not only to rescue victims but to file cases against their perpetrators,” saad ni IACAT Executive Director Hannah Lizette Manalili ng Department of Justice (DOJ).
Sa mga nahatulan, binanggit ni Manalili na 14 sa kanila ang napatunayang guilty sa sex trafficking habang ang isa para sa illegal child adoption.
Sinabi din niya na ang mga nahatulan ay kabilang sa 111 katao na kinasuhan ng IACAT at iba pang miyembrong ahensya.
Bukod dito, “we have provided support to a total of 900 victims of various forms of trafficking for the first of half of 2025 through the IACAT operations center” aniya. RNT/MND