Home NATIONWIDE Rep. Suan, itinangging nagsusulong ng parliamentary government, pagpapaliban ng eleksiyon

Rep. Suan, itinangging nagsusulong ng parliamentary government, pagpapaliban ng eleksiyon

2
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng tanggapan ni Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan ang kumakalat na maling impormasyon online na nagsusulong umano ang mambabatas ng pagpapalit sa parliamentary form of government at pagpapaliban ng eleksiyon.

Sa pahayag nitong Biyernes, sinabi ng kanyang tanggapan na “fabricated and digitally manipulated” ang mga kumakalat na video at larawan, at mariing itinanggi ni Suan ang mga alegasyon.

“The deliberate spread of false information is a malicious attempt to tarnish Congressman Suan’s reputation and mislead the Filipino people,” ayon sa kanyang tanggapan.

“Such tactics have no place in a democratic society, where truth, accountability, and informed public discourse must prevail,” dagdag pa nito.

Tiniyak din ng tanggapan na hindi matatakot o maaabala si Suan sa mga umano’y pagtatangkang sirain ang kanyang trabaho at serbisyo publiko. Patuloy umano niyang ipagtatanggol ang mga karapatang konstitusyonal ng bawat Pilipino at itataguyod ang mga demokratikong prinsipyo.

Hinimok din ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita online at tiyaking beripikado ang mga ito, lalo na’t ginagamit na umano ng ilang indibidwal ang artificial intelligence (AI) upang gumawa ng pekeng video, gumaya ng boses at lumikha ng mapanlinlang na larawan.

“We must not allow these technologies to become instruments of deception and disinformation,” ayon sa tanggapan ni Suan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here