Home NATIONWIDE ‘Love Bus’ aarangkada sa Cebu, Davao

‘Love Bus’ aarangkada sa Cebu, Davao

346
0

MANILA, Philippines – Muling ilulunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang iconic na “Love Bus” sa Cebu at Davao, ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon sa post-SONA forum noong Hulyo 30.

Ayon kay Dizon, magsisimula ang relaunch sa mga susunod na linggo at mag-aalok ito ng libreng sakay sa publiko, na popondohan ng gobyerno sa pamamagitan ng subsidy sa mga bus company. “Nakakatuwa ito para sa lahat… Makikita nating muli ang asul at puting Love Buses,” aniya.

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA ang pagbabalik ng Love Bus bilang bahagi ng pagpapabuti sa pampublikong transportasyon sa ilalim ng “Bagong Pilipinas” program.

Ipinakita na rin ng DOTr ang bagong disenyo ng Love Bus, tampok ang “Bagong Pilipinas” at DOTr logos. Ang orihinal na Love Bus, inilunsad noong dekada 70 sa ilalim ni dating Unang Ginang Imelda Marcos, ang kauna-unahang air-conditioned bus sa bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here