PAMPANGA, Philippines – Naharang ng mga awtoridad ang humigit-kumulang P20 milyong halaga ng ketamine, isang hallucinogenic substance na kadalasang ikinategorya bilang “party drug,” sa Clark Freeport nitong Miyerkules.
Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3 na humigit-kumulang limang kilo ng ketamine, na nakatago sa loob ng roll ng data cable, ang natuklasan sa isang shipment na nagmula sa Belgium.
Ayon pa sa PDEA na ang pagkakatuklas ay naging posible sa pamamagitan ng isang tip mula sa kanilang Investigation Service, na nakatanggap ng paunang impormasyon mula sa isang foreign counterpart.
Dumating ito sa Port of Clark noong Hulyo 24.
Ang ketamine ay inuri bilang isang mapanganib na droga sa ilalim ng batas ng Pilipinas at itinuturing na isang hallucinogen, sabi ng PDEA.
Dagdag pa nito: “Samples of the seized substance drugs will be forwarded to PDEA RO3 laboratory for forensic examination and confirmatory analysis.”
Ang pagkakasamsam ay resulta ng coordinated efforts ng PDEA Clark International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs-Port of Clark, National Bureau of Investigation Pampanga District Office, PNP Aviation Security Group 3, PNP Drug Enforcement Group, at Mabalacat City Police. RNT/MND