Home ENTERTAINMENT Cristy, 2 pa, hinainan ng arrest warrant!

Cristy, 2 pa, hinainan ng arrest warrant!

270
0

Manila, Philippines- Tig-P48,000 ang piyansang itinakda ng korte para sa pansamantalang kalayaan ni Cristy Fermin at dalawang co-hosts sa Showbiz Now Na.

Ito’y sina Romel Tsika at Wendell Alvarez.

Bunsod ito ng cyberlibel case na isinampa ni Bea Alonzo noong May last year.

Inilabas na nga ng Quezon City Regional Trial Court Branch 93 ang warrant of arrest kina Cristy, Romel at Wendel na may petsang July 21 ng kasalukuyang taon.

Mula ito kay Presiding Judge Cherry Chiara Hernando.

Ang claim ni Bea ay naglabas daw ng unfair, malicious at damaging na ulat ang tatlo sa nasabing online program.

Kasagsagan ‘yon ng paghihiwalay ni Bea at ng dating nobyong si Dominic Roque.

Maging ang umano’y ‘di pagbabayad ng tax ng aktres at ang isyung sangkot ang driver nito’y ginawa ring basis ni Bea sa kanyang reklamo.

Habang sinusulat ito’y wala pang tugon ang tatlong respondents sa development ng kaso.

Nagpahayag naman si Cristy na ilalaban daw nila ang kaso.

Nauna rito, iniurong na ng mag-asawang Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan ang isinampa rin nilang cyberlibel case laban kay Cristy. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here